Hello RANadeks! Nandito na naman ang inyong napaka-dandang e-Games Correspondent na si -khryssa-, at may ibabalita akong super eksayting sa inyong lahat! Wag na wag kayong bibitaw dahil hindi lng isa kundi dalawang napakalaki pong pasabog ang ibabalita ko sa inyo! Ano ang mga ito? Basa na nang malaman nyo!
King of the Hill: Reloaded
Tama po ang nabasa ninyo mga frenships! Muling nagbabalik ang astiging bakbakan ng mga ultimate mamaw ng RAN Online. Kung last year ay ang mga level cap players lamang ang pwedeng sumali…abah! Don’t be sad and teary-eyed mga RANatics dahil ibang-iba na po ang mechanics na inihanda ng e-Games para sa event na ito.
Ayon po sa aking nasagap na information, mahahati sa tatlong league/division ang King of the Hill ngayon. Yan ay ang Extreme Class League (level 100-150), Junior Division (level 100-157) at ang Senior Division (level 158-210), kung saan ang 2nd and 3rd divisions po ay para sa mga normal characters. O diba?! Bonggang-bongga mga refafifz, dahil lahat kayo ay pwedeng sumali! Ipamalas na ang inyong mamaw powers kahit anong level ka pa! ‘Ika nga nila, all’s fair in love and war.
Ito pa mga ka-tropa—knockout system ang laban at duel type ang bawat match, kaya ipakita mo na sa sangkatauhan ang iyong galing at diskarte sa pakikipag-duel. Best of 3 ang mananalo during eliminations, 5 rounds during semi-finals at 7 rounds naman during finals.
One representative per guild lamang ang pwedeng sumali and take note na once nakasali ka na, hindi ka pwedeng mag-change name or mag-change ng guild. Stick to one po muna, di pwede gang-hopper. Hehehe. During the fight you can use any consumable item. Ano yun kamo? EP pots, PUM boxes or Destiny Boxes. Pwede rin ang mga items na galing sa Event Shop or Item Shop. Pwede nyo din gamitin ang mga items na napanalunan nyo from any in-game event.
May schedule po ang bawat laban kaya bawal ang late, mga kapatid! Bawal ang malamya, makupad at mahilig umabsent dahil kapag na-late kayo ng 15mins or hindi kayo sumipot, automatic disqualified na kayo sa laro. Sayang naman ang bonggang bonggang preparations diba?
And speaking of premyo, I’m sure mapapa-oh em gee kayo sa prizes natin for this event.
Champion:
King of the Hill in game costume shirt (permanent)
King of the Hill in game costume headgear (permanent)
+9 attack/+9 defense necklace accessory with 300hp
King of the Hill loading screen appearance
1st Runner Up
+8 attack/+8 defense necklace accessory with 200hp
2nd Runner Up
+7 attack/+7 defense necklace accessory with 100hp
Talaga namang bongga ang prizes this time di ba? May loading screen eklavu pa…ewan ko na lang kung di ka pa maging sikat nyan! Abangan na rin ang announcement ng mga GMs dahil kelangan naka-costume kayo bago umariba sa pakikipag-bakbakan. Para naman may arayb habang nakikipag-rambulan diba? Hehehe!
Conqueror’s Path: Ang Ikalimang Yugto
Yes, yes, yow! Nandito na naman ulit ang hinihintay ang pinaka-a-abangan ng bawat guild sa RAN Online—ang Conqueror’s Path: Chapter 5. Naging big success ang bawat CP na nangyari for the past years kaya naman heto at muling nagbabalik ang bakbakan at sagupaan ng mga astiging gangs for each server.
No need to register na po mga RANatics! Once nag-start na officially ang CP5, nasa gang na ang diskarte at strategy kung paano at anong e-room ang sasakupin nila. There will only be 2 alliances allowed for each guild. Each e-room ay may kaukulang puntos pero heto ang exciting dyan…mas malaking puntos pag ang nasakop ninyo ay ang Golden e-room for the night! As usual, ang guilds na may pinaka-maraming nalikom na points ang tatanghaling champion, 2nd runner up at 3rd runner up. Magtatagal po ang CP5 ng tatlong buwan kaya dapat active kayo lagi at go ng go sa pagsakop. Magsisimula ito sa July 8 until September 2009.
Prizes:
Champions (non-droppable, for all main guild and alliance members)
+10 Def/+10 Atk Platinum Earrings with +300 HP, +10 Hit Rate, +10 Evasion, +1 HP/MP/SP Regen/Recov (3 months)
“Conqueror’s Path V” in-game costume shirt (6 months)
“Conqueror’s Path V” loading screen appearance
2nd Place (non-droppable, for all main guild and alliance members)
+9 Def/+9 Atk Platinum Earrings with +200 HP, +10 Hit Rate, +10 Evasion, +1 HP/MP/SP Regen/Recov (3 months)
3rd Place (non-droppable, for all main guild and alliance members)
+8 Def/+8 Atk Platinum Earrings with +100 HP, +10 Hit Rate, +10 Evasion, +1 HP/MP/SP Regen/Recov (3 months)
OMG! Bongga to the max ang ating prize para sa kasalukuyang CP5. Kaya naman mga guild leaders and guild members…ano pa ang hinihintay nyo? Mag-plano na kayo ng mga strategies at mga diskarte kung paano makasakop or makaagaw ng e-room! Mag-ipon na ng sangkaterbang PUM boxes at iba pang Destiny Boxes! Tiyak na sulit na sulit ang effort kapag nanalo kayo!
Hanggang sa susunod na latest update mula sa mundo ng RAN Online. This is your e-Games Correspondent, -khryssa-…lalong gumaganda! Hahahaha!























